Monday, February 18, 2008

Tungo sa Arakan...

Nagising ako sa tunog ng aking celfone. isinet ko ang alarm nito sa ikaapat na oras ng madaling araw. Agad kong kinuha ang listahan ng mga gamit na ginawa ko bago pa ako natulog ng gabing iyon. Sipilyo, towel, tsinelas, iilang pares ng t-shirt at shorts, pantalon, sabong pampaligo, pangginaw, plato, baso, kutsara at tinidor.


Nirolyo ko ang pagkatupi ng mga damit at towel para magkasya sa bag na hiniram ko sa isang matalik na kaibigan. Naligo, nagbihis.. pagkatapos kinuha ko yung bag ko tsaka ako umalis papunta don sa tagpuan ng lahat ng crew.

Habang papalapit ako, nakikita ko na yung mga magiging kasama ko sa buong panahon na gagawin ang pelikula. Yung iba kumakain ng agahan, yung iba naman ay nagkukwentuhan lang habang hinihintay ang hudyat para sumakay sa van na magdadala sa amin papuntang arakan valley.

“coicoi sa van no. 2 ka” sabi ni drei. Sa harap ng van ako sumakay kasama ng isa pang asst. camera na si victor, habang ang iba naman ay nasa likod.



Tanghali na nang dumating kami sa bahay na tutuluyan namin. Nanunuot ang lamig sa katawan ko pagbaba ko ng van. Makikita mo ang hamog sa unahan. Tulong tulong kami sa pagbaba ng lahat ng mga gamit. Bags, tripod, JIB, mga camera, at mga iba pang kakailanganin namin. Naghanap ng kani-kaniyang pwesto para matulugan ang lahat. yung iba nakahagilap ng matt, yung iba nagsetup ng hammock.. me nakuntento na lang sa sahig pero me carpet naman.. at para sakin.. sa bangko na pinagdugtong ko lang.. masubukan nga ang ganitong setup sa unang gabi.

Walang shoot sa unang araw. kelangang maipwesto ang lahat eh. Syempre ibaba pa yung napakagaang na Generator Set na kailangan buhatin ng walong tao mailipat lang mula sa dump truck hanggang sa kakalagyan nito. Yung mga electrical wirings ng bahay (pano na lang ichacharge ang mga pinakamamahal na celfones dba?), tsaka computer.

Nakapag hapunan na lahat, at naghanda na para matulog ang iilan sa amin.Tinago ko pa nga yung mga goma na pantali ng kutsara at tinidor para di humiwalay sa lunchpack eh, souvenir kumbaga! Inihanda ko lahat ng kakailanganin ni Myk para sa unang sequence na gagawin kinabukasan. Ichinarge ang mga Batirya, isinilid sa bag ang camera at akoy pumwesto na sa aking tutulugan(tulugan nga bang maituturing ang isang silya? hehe).Magiging isang mahabang araw pa kinabukasan alam ko.. call time?? alas sais ng umaga.. whew!! magandang gabi arakan..
 
ss_blog_claim=ba9ad5f038241d86a4c225eeb5a3ec41